Why (not) sending it hurts
One thing I know is, IF you send the letters, you make them KNOW.
xx,
Ito ay isa sa mga
konting pagkakataon na nauna kang matulog sa akin. Nakakainip pala. Mahirap palang masanay. Mula pagmulat ng aking mga mata hanggang ako’y wala ng malay sa
aking kama, ikaw lang ng ikaw ang palaging nasa isip ko. Mahal na mahal na pala
talaga kita.
Bukod sa
kinakailangan kong gawin, gumigising na nga lang yata ako makausap ka. Para
mahalin ka. Para maramdaman ang pagmamahal mo. Ano na bang ginawa mo sa akin?
Hindi ko gawi ang
pagiging malambing. Hindi ako sumusuong sa mga bagay na alam kong walang tiyak
na katapusan. Pero kung pumasok man ako sa mga ganung eksena, panigurado, hindi
ako nakadepende dito. Kahit biglang mawala ito, tuloy-tuloy lang. Walang bigat.
Pero ngayon iba na. Bakit ba ganito? Bakit ganito na ako sa’yo?
Hindi ko alam kung
hanggang kalian mo mapaparamdam sa akin yang pagmamahal mo. Nakakaaddict.
Unti-unti mo na akong hinila sa mundo mo, sa pagkatao mo. Unti-unti na akong
nahulog. Hanggang kailan mo ba ako mamahalin? Hanggang kailan pwede?
Sana matagal.
Matagal na matagal. Huwag mo sana akong iiwan.
Mahirap bang
magmahal ng isang taong walang kasiguraduhan? Parang isang lollipop na biglang
babawiin habang ang bata’y wiling-wili sa pagkain nito. Parang bata siguro
akong iiyak pag iniwan mo ako. Hindi ko pa maisip kung gano kasakit. Ayokong
isipin.
Hindi ko sinasabi na nahihirapan ako. Hinding-hindi at sobrang
saya ko sa’yo. Hindi ko na nararamdaman at iniinda ang nakaabang na lungkot
kapag…
Hindi ako nahihirapan kasi wala na muna akong pakialam doon,
kahit minsa’y naiisip ko na ako mismo ang humahanap ng ikalulungkot ko sa huli,
wala na akong pakialam. Importante ang ngayon. Ngayon, kasama kita, mahal kita
at mahal mo ako. Yun na lang muna ang tinitingnan ko. Yun lang at masaya na’ko.
Hindi talaga ako
yung tipong futuristic. Sandali, hindi pala ako sigurado doon. Pero ganito, ang
alam ko, dahil sa’yo, binubuo ko na ang mga pangarap ko, hindi pala… ikaw ang
pangarap ko. Yung iba, kasama lang pala sa mga pinapangarap ko at ikaw.
Ang daming
imahinasyon ang sumisirko-sirko sa utak ko. Salit-salit. Walang pinipiling
oras. Biglaan na lamang silang sumusulpot. Mga iniisip ko na ikaw lang ang
makakapagpatupad… Mga mithiing wala pang kasiguraduhan…
Mali ba na umasa
ako sa kasiguraduhan? Mali nga yata. Risky naman talaga ang pagmamahal di’ba?
Ang iba, hindi lang nakakasigurado dahil sa pagkatao ng minamahal nila. Ako?
Sigurado ako sa’yo. Kung sino ka, kung ano ka. Oo, positibo, sigurado ako. Yung
tagal lang ang hindi ko alam… Pero ayos na yun, masaya naman ako sa’yo. Nga
pala, mahal na mahal na mahal kita…
xx
*This is an excerpt for an upcoming writing project.
Comments
Post a Comment