Akala Mo Lang



Anim na taon ang lumipas
Buhok ko lang ang kumupas.

Araw at oras ang nagdaan
Sa piling ng saya at lumbay
Naisip ko mang lisanin ka
Hindi ko kayang mahiwalay.

Sa tawanan at iyakan
Ikaw ang aking katuwang
Bawat lakad at bawat byahe
Ikaw ang nais na katabi
Sa'yo sasandal, sa'yo hihilik
Hawak kamay, tayo'y sabik
Pagdilat ng mga mata
Tayo'y nakauwi na.

Halina't matulog, tumunganga at mangarap
Unti-unting tinutupad ang bawat mga usap
Ang ating bahay, mga alaga 
Nariyan magkasama
Wag ka sanang mainip
Darating din tayo sa munting bata.

Sa pagsibol ng araw
Doon ang simula
Ikaw ang tinatangi ng isip
Hanggang liwanag ay maglaho na.

Ikaw lamang ang mahal
Sa kabila ng mga sobra at kulang
Ikaw lamang ang pipiliin
Ikaw lang ang mamahalin.

Comments

Popular Posts